August 26, 2024 | Monday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
August 26, 2024 | Monday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Today's Verses: Psalm 119:143-144 (ASND)
143 Dumating sa akin ang mga kaguluhan at kahirapan, ngunit ang inyong mga utos ay nagbigay sa akin ng kagalakan. 144 Ang inyong mga turo ay matuwid at walang hanggan. Bigyan nʼyo ako ng pang-unawa upang patuloy akong mabuhay.
Read Psalm 119:137-144
May nararamdaman ka ba na kakaibang excitement tuwing pinag-uusapan ang mga utos ng Diyos na nasa Bible?
Sa Awit 119:137-144, inilarawan si Yahweh bilang makatarungan, tapat, at ang mga kautusan Niya ay matuwid at puno ng karunungan. Kahit sa pagsubok, ang manunulat ay nagpapahayag ng paggalang at pagtitiwala sa Diyos. Ito ang nagbigay ng liwanag at gabay sa kanyang buhay.
Hindi pangkaraniwan na maging excited ang lahat ng tao tuwing pinag-uusapan ang mga utos ng Diyos sa Biblia. Madalas ay mas tinatanggap ang pagtalakay sa ‘promises’ kaysa sa mga ‘commands’ na nasa Biblia din naman. Parang may kakaibang attraction ang mga pangako ng Biblia, samantalang ang mga kautusan ay hindi ganoon ka sikat. Maaaring may pananaw ang mga tao bakit hindi pantay ang paningin at pagrespeto sa ‘God’s promises’ kumpara sa ‘God’s commands’. Ang ganitong pangyayari ay nagpapakita ng isang mahalagang aspeto ng ating espiritwal na buhay: ang balanse sa pagitan ng pagtanggap ng biyaya at pagsunod sa mga utos. Ang tunay na pag-unawa sa tunay na Diyos ay nakapaloob sa pagsasama ng parehong aspeto ng ‘God’s promises’ at ‘God’s commands’. Ang pagwawagi sa hamon ng problema at nakasunod sa mga kautusan ay naging daan sa mas malalim na pagtanggap ng mga pangako ng Diyos, na nagdadala ng tunay na kapayapaan at kasiyahan.
Magsanay tayo sa disiplina ng pagsunod sa Diyos sa pamamagitan ng pag-unawa at pagsasagawa ng Kanyang mga kautusan. Ang mga kautusan ay nagtatakda ng landas para sa ating espirituwal na pag-unlad. Huwag iwasan ang mga utos dahil sa kahirapan. Kundi maglaan ng sapat na oras upang aralin ang Kautusan ng Diyos. Ang pagsunod sa mga kautusan ay nagiging daan sa maayos ns pagtanggap mo ng biyaya at ng pangako ng Diyos. Kaya kilalanin ang Diyos sa pamamagitan ng parehong pangako at kautusan para mapalalim ang iyong pag-unawa at pananampalataya.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, bigyan Mo kami ng lakas at karunungan upang sundin ang Iyong mga kautusan at yakapin ang Iyong mga pangako. Ibigay Mo ang Iyong gabay upang magtagumpay kami sa bawat aspeto ng aming espiritwal na paglalakbay.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Bakit mas tanggap na pag-usapan ang ‘promises’ sa Bible kesa sa mga ‘commands’ na nasa Bible din?
Paano nakakatulong ang pagsasama ng parehong aspeto ng ‘God’s promises’ at ‘God’s commands’ sa ating buhay Kristiyano?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions