December 25, 2024 | Wednesday
UVCC Daily Devotion
December 25, 2024 | Wednesday
UVCC Daily Devotion
Today's Verses: John 6:38 (MBBTag)
Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos.
Read John 6
Kumbinsido ka na sa layunin bakit bumaba si Jesus mula sa langit?
Sa John 6, si Jesus ay gumawa ng dalawang himala: pagpapakain ng limang libong tao gamit ang limang tinapay at dalawang isda, at paglakad sa tubig upang tulungan ang kanyang mga disipulo. Tinuruan Niya sila tungkol sa pananampalataya at buhay na walang hanggan, at ipinahayag na Siya ang "tinapay ng buhay." Marami ang umalis dahil sa mahirap na mensahe, ngunit nanatili ang labing-dalawa.
May mensahe sa atin ang Diyos ngayong panahon ng Kapaskuhan. Ano man ang iyong kalalagayan, may gustong iparating sa iyo ang Diyos sa pamamagitan ng Biblia. Pangalanan mo na ang lahat ng iyong nararamdaman — may lungkot man o excitement, may kawalan ng pag-asa o galak sa mga magagandang inaasahang mangyayari. Hindi kaila na may mga naisin tayo sa buhay. Pero pwede ba na pansamantala nating isantabi ang mga iyon at tumutok muna sa "reason for the season"? Si Jesus ay bumabâ mula sa langit para sundin ang kalooban ng Diyos Ama. Ang “reason for the season” ay isang makabuluhang mensahe para pagbulay-bulayan. Ang “reason for the season” ay isang makapangyarihang katotohanan na magdudulot ng pagbabago sa ating pananaw sa buhay. Ang "reason for the season" ay tungkol sa pagsunod ni Jesus sa kalooban ng Diyos. May mensahe ang Diyos para sa iyo tungkol sa pagsunod tungo sa pagbabago. Nang sumunod si Jesus, tayo’y napagpala. Kung tayo’y may pagsunod sa Diyos, tayo ay may pagpapala, at magiging daluyan tayo ng pagpapala.
Itugma ang iyong mga layunin sa buhay ayon sa kalooban ng Diyos. Lahat ng ating ginagawa ay may layunin, at bawat pangyayari sa ating buhay ay may dahilan. Hindi natin alam kung anong plano ng Diyos sa bawat sitwasyon, ngunit ang mahalaga ay magtiwala tayo sa Kanya at sundin ang Kanyang plano. Masama man o mabuti ang mga nangyayari, ang layunin ng Diyos ay dapat pa ring maging focus natin. Pag-aralan at isakatuparan ang kalooban ng Diyos.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, salamat sa malinaw na paghayag ng layunin ng pagbabâ ni Jesus mula sa langit. Salamat sa Kanayng pagsunod sa iyo. Salmat sa pagpapalang dala ng pagsunod ni Jesus. Bilang tugon, turun Niyo po akong sumunod sa iyong kalooban.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Ano ang ang layunin bakit si Jesus ay bumabâ mula sa langit?
Bakit madalas na nahihirapan ang mga tao sa pagsunod sa kalooban ng Diyos?
Paano natin magagawa na maging masunurin sa kalooban ng Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions