June 3, 2025 | Tuesday
UVCC Daily Devotion
Written by: Victor Tabelisma
July 2025 Daily Devotions
June 3, 2025 | Tuesday
UVCC Daily Devotion
Written by: Victor Tabelisma
Today's Bible Verses: Filipos 4:6 MBBTAG
Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat.
Pagmumuni-muni
Likas sa tao ang mabahala tungkol sa kinabukasan, pera, kalusugan, trabaho, o mga mahal sa buhay. Pero malinaw ang utos ni Pablo: "Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay."
Hindi ito denial o pagpapanggap na walang problema. Sa halip, ito'y paglalagay ng tiwala sa Diyos sa halip na sa sarili.
Paano? "Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan."
Ang panalangin ang susi. Imbes na palaging mag-isip at mag-alala, lumapit sa Diyos at sabihin sa Kanya ang lahat. At hindi lang basta panalangin—kundi panalangin na may pasasalamat. Ibig sabihin, may pananampalatayang alam mong nakikinig Siya. May tiwala kang, anuman ang sagot Niya, ito ay para sa iyong ikabubuti. Ang panalangin ay hindi lang para hingin ang gusto natin, kundi upang ipagkatiwala sa Diyos ang lahat ng nasa puso natin.
Ano ang madalas mong ikinababahala ngayon? Naipanalangin mo na ba ito?
Paano mo maisasama ang pasasalamat sa iyong mga panalangin, kahit may mga pagsubok?
Paano mo maipapakita ang pagtitiwala mo sa Diyos sa halip na mabalisa?
Panalangin
Panginoon, Ikaw ang Diyos na nakakaalam ng lahat ng laman ng puso ko. Alam Mo ang mga bagay na bumabagabag sa aking isipan. Ngayon, pinipili kong ilapit sa Iyo ang lahat—ang aking mga takot, pangangailangan, at inaasam. Palitan Mo ang pag-aalala ng kapayapaan, at turuan Mo akong magpasalamat sa lahat ng pagkakataon. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Read Previous Devotions