DAY 1
Ang Karunungan ng Diyos Tungo sa Pagkakaisa
Devotions writer: Gene Estrabon III
June 2025 Daily Devotions
DAY 1
Ang Karunungan ng Diyos Tungo sa Pagkakaisa
Devotions writer: Gene Estrabon III
Efeso 3:10 (FSV)
Sapagkat layunin niya na sa pamamagitan ng iglesya ay maipaalam ngayon sa mga pamunuan at mga maykapangyarihan sa kalangitan ang iba't ibang anyo ng karunungan ng Diyos
Sa buhay, kailangan natin ng karunungan at di lamang kaalaman.
Ang tinutukoy na karunungan sa Efeso 3:10 ay ang karunungan ng Diyos. Kung tayo bilang mananampalataya ng Panginoong Hesus ay ay patuloy na magkakaroon ng kaalaman mula sa Kanyang Salita at gagamitin natin ito ng may karunungan, tayo ay sama-samang makakaranas ng tagumpay.
Ang tagumpay na mararanasan ay pang-indibidual at pangkalahatan. Ibig sabihin, habang indibidual nating sinusunod ang Diyos, pangkalahatan nating nasusunod ang Diyos. Gamit ang iba’t ibang uri ng karunungan ng Diyos, tayo bilang nagkaka-isang mga mananampalataya ay naging kapahayagan ng pagka-Diyos ng ating Diyos. Sa karunungan ng Diyos lamang nakapaloob ang pinakamainam na klase ng masunurin at matagumpay na buhay Kristiano.
Magalak at nagkakaisa ang kabuuan ng church kung mas papayagan natin na masunod ang kalooban ng Diyos ayon sa kanyang karunungan. Huwag nating gamitin ang ating sariling karunungan kundi ang karunungan ng Diyos.
Aming Ama, patawarin mo kami sa aming pagtuon sa aming sariling karunungan. Sa araw-araw, turuan mo kaming magpasakop sa Iyo at sa karunungang hatid ng Iyong Salita. Mangyari na makita ng mga tao at ng mga nilalang na kami na iyong mga anak ay nagiging kapayagan ng iba’t ibang uri Mong karunungan. Anuman ang aming mga pinagdaraanan, ikaw pa rin ang aming sandigan na nagbibigay ng kapayapaan, pagpapala, at karunungan. Ito ay para sa iyong kapurihan. Sa pangalan ni Hesus, Amen!