DAY 4
Sama-Samang Tumatatag
Devotions writer: Kristy Gener
June 2025 Daily Devotions
DAY 4
Sama-Samang Tumatatag
Devotions writer: Kristy Gener
Roma 5:3-5, FSV
"At hindi lamang iyan. Nagagalak din tayo sa mga pagdurusang ating nararanasan, sapagkat alam nating ang pagdurusa ay nagbubunga ng pagtitiyaga. 4 Ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan ay nagdudulot ng pag-asa. 5 Hindi tayo binibigo ng pag-asa sapagkat ibinuhos ng Diyos sa ating puso ang kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ipinagkaloob sa atin."
Hindi madaling mawalan ng pag-asa kung sama-samang tumatatag.
Magalak tayo dahil alam natin na kahit ano pang pagsubok ang kaharapin natin ito ay mag bubunga ng pagtitiyaga at tayo pinatitibay at pinatatatag ng Panginoong Diyos upang tayo ay mapabuti at matutong dumipende sa Panginoon.
Makikita natin at ng lahat ng tao ang kadakilaan Niya sa buhay natin na sa kabila ng pinagdadaanan natin hindi tayo nabigo at nawalan ng pag asa dahil ipinaramdam ng Diyos ang pagmamahal at katapatan Niya sa tulong ng Banal na Espiritu na nanahan sa atin.
Ama naming Banal, maraming salamat po sa kabutihan at katapatan mo sa iyong mga anak. Hindi mo kami pinabayaan at iniwanan sa kabila ng aming pinag dadaanan ipinakita mo ang pag ibig mo sa mga tulong na nagmumula sa iyong Banal na Espirito. Kami po ay patuloy na iyong samahan sa lahat ng aming tatahakin ngaun araw na ito at sa mga susunod pang araw ng buhay namin. Sa pangalang ng iyong Anak na si Jesus at sa pagsama na iyong Banal na Espirito ito po ang aming dalangin. Amen.
Ano ang mabuting dulot ng pagdurusa?
Ano ang ginagawad ng Espiritu Santo sa mga anak ng Diyos kapag may pagdurusa?
Anu-ano ang naging mabuting dulot nito sa iyo na nakaranas ng pagdurusa?