DAY 6
Makiisa Upang Magkaisa
June 2025 Daily Devotions
DAY 6
Makiisa Upang Magkaisa
Devotions writer: Grace Estrabon
Psalm 133:1, MBBTAG
Napakaligaya at kahanga-hanga sa ating pangmasid, ang nagkakaisa't laging sama-sama na magkakapatid!
Iba ang ligaya na dulot ng tunay na pagkakaisa.
Nasubukan mo na bang gumawa ng isang bagay na pagkatapos mong gawin ay di ka makapaniwalang natapos mo ito? At kapag tiningnan mo yung ginawa mo natutuwa ka at nasisiyahan ka sa resulta. Ganun din ang Diyos sa atin matapos nya tayong likhain siya ay lubos na nasiyahan.
Lubos ding nasisiyahan ang Diyos lalo na kapag nakikita Niya ang Kanyang mamamayan ay namumuhay na may pagkakaisa at hindi kanya-kanya. Napapangiti natin ang Panginoon kapag tayo bilang pamilya o mamamayan ng Diyos ay magkaisa na sumusunod at gumagawa ng kanyang kalooban. Sinasabi rin ng verse iba ang ang kaligayahan na da la ang pagkakisa sa mga nakamasid. Lubos na kahanga-hanga na pagmasdan kapag may samahan na dalisay at taos. At ito ay may kasamang kahulugan o nakapaloob sa konteksto ng magkakapatid. Kung tunay na nasa puso natin ang Panginoon Hesus at siya ang ating Tagapagligtas at Panginoon, tayo ay magkakapatid na pinagbuklod ng pagpapatawad at pag-ibig na Diyos. At tayo ay sama-samang ipinagdiriwang ang tagumpay at paghahari ng Diyos.
Tunay na iba ang ligaya na dulot ng tunay na pagkakaisa kasama ang mga kapatirang nagkakaisa. Tunay na kahanga-hanga!
Diyos naming Ama pagkaisahin mo kami bilang iyong mga anak. Turuan mo kaming patuloy na sumunod ayong sa Iyong kagustuhan sa aming buhay. Isinusuko namin ang aming kagustuhan at ipinapasakop namin ito sa iyo. Alam namin na ikaw ang nakakaalam ng mga bagay na ikabubuti namin.
Turuan mo kami at gawaran mo kami O, Diyos ng pamumuhay na may pagkakaisa sa isip, sa puso, at may pananampalataya sa Iyo. Nais namin na maging maligaya at kahahanga ang Iyong pagtingin sa aming pagkakaisa. Ito ay upang dumaloy pa lalo ang higit na pagpapala’t pagbasbas mula sa iyo.
Itong aming dalangin sa pangalan ng aming Panginoong Jesus, Amen.
Ano ang maaari kong gawin para maging part ng pagkakaisa?
Paano ko mapapanatili ang pagkakaisa?
Ano ang mga bagay na dapat nating magawa bilang mga mananampalataya sa kabila ng maraming pagkakaiba?