DAY 7
Pagkakaisa sa Pagkawanggawa
June 2025 Daily Devotions
DAY 7
Pagkakaisa sa Pagkawanggawa
Devotions writer: Gene Estrabon
Acts 2:44–45, FSV
At nagsama-sama ang lahat ng mga mananampalataya at ibinahagi ang kanilang mga ari-arian para sa lahat. Ipinagbili nila ang kanilang mga ari-arian at mga kayamanan at ang napagbilhan ay ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawat isa.
Ang makadiyos na pagkakaisa ay nagtutungo sa mapagmahal na pagkawanggawa.
Ayon sa aklat ng Mga Gawa, ang mga unang mananampalataya ay may kakaibang uri ng pagkakaisa. Sila ay puno ng galak sa kanilang mga pagtitipon, may pagkakaisa sa pananalangin, may pagkakaisa sa pag-aaral ng Salita, at may pagkakaisa maging sa pagganap ng Holy Communion. Ang naging natural na resulta dahil sa mga ito ay ang banal na pagkatakot mula sa mga mananampalataya. At higit pa dito ay may mga himala na naganap dahil sa mga apostol.
At kung sa palagay natin ay iyun lang ang mga nanyari, magtataka tyo na ang tugon ng mga mananampalataya ay ang pagkakaisa na may pagkawanggawa! Ramdam ang pagkalinga na may pag-ibig na nag-uumapaw sa puso mula sa mga mananampalataya. Paano naganap ang mga kahanga-hangang pangyayari na ito? Well, kailangan natin basahin ang buong chapter ng Gawa 2 para mas maunawaaan ito. Pero bilang pauna, naganap ang mga ito dahil may nanyari muna sa mga indibiduwal na puso ng mga mananampalataya: may pagsisisi ng kasalanan ng mula sa puso, may pagtanggap ng Salitang ipinangaral ng mula sa puso, at may pagnanais na makiisa mula sa mga indibiduwal na puso. Ang pagkakaisa ng may pagkawanggawa ay naging bunga na lamang ng mga naunang nanyari.
Ito ang katotohanan base sa ating napag-aralan: kailangan munang may pagbabago mula sa mga indibiduwal na puso bago magkaroon ng pagkakaisa sa pagkawanggawa. Kailangan natin ng bagong lebel ng galawan ng Diyos sa ating mga indibiduwal puso, bagong lebel ng pagtugon sa galawan ng Diyos sa ating indibiduwal na puso, at ang mga indibiduwal na puso na ito ay magkaisa sa maraming bagay … at maging sa pagkawang gawa. Higit sa lahat, ang kahanga-hang pagtugon ng mga bagong mananampalataya ay pagpapabilang nila sa komunidad ng mananampalataya.
Aming Ama, pinapayagan po namin Kayong gumalaw sa aming mga indibiduwal na puso. Pinapayagan din po namin Kayo na siyasatin itong aming mga puso. Gawin mo kaming mapagpakumbaba at madaling turuan. Hindi namin kaya sa aming sarili lamang na mas baguhin ang aming sarili, lalo na ang magkaisa ayon lamang sa aming sarili ng ayon sa Iyong kalooban. Kami’y tulungan Niyo. Kami kahabagan Niyo.
Panginoon, dalin mo kami sa bagong lebel ng pagbabago sa aming indibiduwal na puso. At dalin mo kami sa bagong lebel ng pagkakaisa. Tulungan mo kami na gawin ang Iyong kalooban ayon sa Iyong pamamaraan.
Aming Diyos, bigyan mo po kami ng panibagong uhaw sa iyong Salita, bagong sigla sa pkikipagkapatiran, bagong kaunawaan sa kahalagahan ng Holy Communion, at bagong sipag sa pakikiisa sa pakikipag-panalanaginan.
Ito ang aming mga panalangin sa matamis na pangalan ng Panginoong Hesus, Amen!
Ano ang mga napansin mong may kakaibang lebel sa pamumuhay ng mga unang mananampalataya?
Ano ang iyong masasabi bakit sila nagkaroon ng kakaibang karanasan ng pagkakaisa bilang mga mananampalaya?
Ano sa palagay mo ang iyong indibiduwal na magagawa tungo sa pagkakaisa?