DAY 8
Nagkakaisang Mapayapa at Matatag
July 2025 Daily Devotions
DAY 8
Nagkakaisang Mapayapa at Matatag
Devotions writer: Gene Estrabon III
(Acts 9:31, FSV)
Kaya't ang iglesya sa buong Judea, Galilea at Samaria ay naging mapayapa at matatag. At patuloy silang namuhay na may takot sa Panginoon, at sa tulong ng Espiritu Santo ay lumago sila.
Ang tunay na pagkakaisa ay may kaakibat na kapayapaan at katatagan.
Ang verse of the day natin ay bahagi ng buong chapter 9 na kung saan ang kwento ni Saul na nagsimulang makatagpo Si Hesu-kristo, nabulag, pinanalangin, gumaling, at nagsimulang mangaral patungkol kay Hesus bilang Kristo o Mesias. Sa una, ang mga mananampalataya ay nakakaranas ng matinding klase ng pag-uusig kaliwa't kanan mula kay Saulo. Kasama din dito maging mga sigalot sa labas dahil din kay Saulo. Ngunit dumating ang panahon na ang dating nang-uusig (see chapter 8), ngayon ay naging kaakibat na sa misyon na ipamahagi ang mabuting balita ng pagpapatawad ng Diyos dahil sa sakripisyo ni Hesus. Anupat, ang sabi ng Biblia ay “Kaya't ang iglesya sa buong Judea, Galilea at Samaria ay naging mapayapa at matatag.” Kaya naging payapa at matatag ang iglesia ay dahil natigil ang matinding pag-uusig.
Salamat din kay Barnabas na naging dahilan para mas mapalakas ang batang-bata pa sa pananampalataya na si Saulo. Si Barnabas ay naging daan para sa pagkakasundo ni Saulo at ng simbahan (Gawa 9:36-20). Ang kinakatakutan ay naging kaibigan (9:26). Pinatunayan ng kinakatakutan at iniiwasan na siya ay nabago na nang hangarin tungo sa pagkakaisa ng simbahan. Muli, salamat kay Barnabas na naging daan para sa kapayapaan at katatagan.
Sa buhay natin bilang mga Kristiano at mananampalataya ni Hesu-Kristo, kailangan nating pansinin ang mga 'di masyadong sikat na karakter sa Biblia at alamin ano ang kanilang naiambag tungo sa kapayapaan at katatagang dala ng tunay na pagkakaisa.
Aming Diyos Ama, gamitin mo po kami tungo sa kapayapaan at katatagan dala ng tunay na pagkakaisa. Turuan mo kami na magkaroon ng puso at saloobin katulad ni Barnabas na di mataggap o mapaniwalaan na Saulo ay maging ganap na bahagi ng takot na simbahan. Kami ay bahaginan ng ganung klase ng adhikain na maging daan sa ipagkakasundo tungo sa pagkakaisa. Tulungan mo kaming mapaglabana ang aming anumang takot. Tulungan mo rin kami na maipakita ang tunay napagbabago sa aming puso na pinasimulan Mo sa pmamagitan ng pagiging nakatalaga sa pagbabahagi ng mabuting balita patungkol sa ginawang sakripisyo at pagliligtas ni Hesu-Kristo.
Ito po ang aming panalanganging may pagpapakumbaba. Sa makapangyarihang pangalan ni Hesus, Amen.
Katulad ng nangyari at ginawa ni Saulo, ano-ano ang mga mabuting gawain na puwedeng maging patunay ng tunay na pagbabago tungo sa pagkakaisa?
Katulad ng ginawa ni Barnabas, ano-ano ang puwede pa nating gawin tungo sa kapayapaan at katatagan na dala-dala ng pagkakaisa?
Ano ang bahagi ng Espriitu Santo tungo sa kapayapaan at katatagan na dala-dala ng pagkakisa?