July 4, 2025 | Friday
UVCC Daily Devotion
Written by: Victor Tabelisma
July 2025 Daily Devotions
July 4, 2025 | Friday
UVCC Daily Devotion
Written by: Victor Tabelisma
Today's Bible Verses: Colossians 3:23 FSV
Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ito nang buong puso na gaya ng para sa Panginoon at hindi para sa mga tao.
Pagmumuni-muni
Napakadaling mawalan ng gana kapag ang ginagawa natin ay hindi napapansin o nabibigyan ng halaga ng tao. Lalo na kung ang ating pinaglilingkuran ay hindi marunong magpasalamat o kung tila walang nagmamalasakit sa ating ginagawa.
Pero pinaaalalahanan tayo ng talatang ito: Ang tunay na layunin ng ating paggawa ay hindi upang mapansin ng tao, kundi upang mapalugod ang Diyos. “Gawin ninyo ito nang buong puso…” Ibig sabihin: walang kalahating loob, walang reklamo, walang pag-aalinlangan.
Hindi dahil sa sinuman, kundi dahil para sa Panginoon.
Ang bawat gawain—maging ito man ay paglilinis, pag-aalaga sa pamilya, pagtatrabaho, o paglilingkod sa simbahan—ay may saysay kung ito'y iniaalay sa Diyos. Walang maliit o hindi mahalagang bagay sa mga kamay ng taong tapat sa Panginoon.
Sa mata ng Diyos, ang ginagawa nang buong puso para sa Kanya—malaki man o maliit—ay mahalaga at may gantimpala. Magtrabaho na parang ang Diyos ang Boss mo.
Para kanino mo ba ginagawa ang mga gawain mo araw-araw?
Ginagawa mo ba ito nang may buong puso, na parang para kay Kristo?
Panalangin
Panginoon, turuan Niyo akong magtrabaho at maglingkod hindi para sa papuri ng tao, kundi para sa Inyo. Bigyan Niyo ako ng pusong tapat, masigasig, at may kagalakan, kahit walang nakakita o pumupuri. Nais kong ang bawat gawain ko ay maging handog ng pagsamba sa Inyo.
Read Previous Devotions