June 12, 2025 | Thursday
UVCC Daily Devotion
Written by: Victor Tabelisma
July 2025 Daily Devotions
June 12, 2025 | Thursday
UVCC Daily Devotion
Written by: Victor Tabelisma
Today's Bible Verses: Colossians 1:15 MBBTAG
Siya ang larawan ng Diyos na di-nakikita, ang panganay na anak na higit sa lahat ng mga nilikha.
Pagmumuni-muni
Marami ang nagtatanong: “Kung totoo ang Diyos, bakit hindi Siya nagpapakita?” Sa talatang ito, binigyan tayo ni Pablo ng malinaw na sagot—ang Diyos ay ipinahayag sa atin sa pamamagitan ni Kristo. Si Jesus ang larawan ng Diyos na hindi nakikita. Ibig sabihin, kung gusto mong makilala kung sino ang Diyos, tingnan mo si Jesus.
Ang salitang “larawan” dito ay hindi tulad ng isang larawan sa litrato—ito ay pagsasakatawan, ang buod ng Kanyang pagka-Diyos. Sa Kanyang kababaang-loob, pagmamahal, kapangyarihan, at katuwiran, makikita natin ang tunay na likas ng Diyos.
Bukod pa rito, tinawag si Jesus na "panganay na higit sa lahat ng mga nilikha." Hindi ito nangangahulugang Siya ay nilikha, kundi Siya ang may pinakamataas na posisyon—may karapatan, kapangyarihan, at kapamahalaan sa lahat. Siya ang sentro ng lahat ng bagay.
Sa anong mga aspeto ng buhay mo hindi mo pa lubos na kinikilala si Cristo bilang Panginoon at sentro?
Paano mo maipapakita sa iba ang larawan ni Cristo sa iyong mga desisyon, pananalita, at ugali?
Panalangin
O Panginoong Jesus, salamat dahil sa Iyo ko nakikita kung sino ang tunay na Diyos. Salamat sa Iyong kabutihan, habag, at katotohanan. Nawa'y hindi lang ako tumingin sa Iyo, kundi makita rin ng iba ang Iyong larawan sa aking buhay. Itaas Ka sa lahat ng aspeto ng aking araw. Amen.
Read Previous Devotions