June 17, 2025 | Tuesday
UVCC Daily Devotion
Written by: Victor Tabelisma
July 2025 Daily Devotions
June 17, 2025 | Tuesday
UVCC Daily Devotion
Written by: Victor Tabelisma
Today's Bible Verses: Colossians 2:6 FSV
Kaya, kung paanong tinanggap ninyo si Cristo Jesus na Panginoon, mamuhay kayo sa paraang karapat-dapat sa kanya.
Pagmumuni-muni
Ang pagsisimula ng pananampalataya ay mahalaga—ngunit hindi doon natatapos ang ating paglalakad kay Cristo. Ang paalala ni Pablo sa Colossians 2:6 ay simple pero malalim: Tinanggap mo si Jesus bilang Panginoon? Kung gayon, mamuhay ka nang ayon sa Kanya.
Maraming tumatanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas, pero nakakalimutang Siya rin ay Panginoon — na nangangahulugang Siya ang may kapangyarihan at pamamahala sa ating buhay. Ang pamumuhay na karapat-dapat kay Cristo ay nangangahulugang:
Pagsunod sa Kanyang kalooban
Pagkakaroon ng ugaling tulad Niya
Pamumuhay na may pananampalataya at katapatan sa araw-araw
Hindi sapat ang simula lamang. Ang tunay na pananampalataya ay makikita sa araw-araw na pagsunod—sa maliliit at malalaking desisyon, sa pagtrato sa kapwa, sa pananalita, at sa paraan ng pamumuhay.
Kumusta ang pamumuhay mo bilang tagasunod ni Cristo? Nakikita ba sa iyo na Siya ang iyong Panginoon?
May bahagi ba ng buhay mo na kailangan mong ipasakop muli sa Kanya?
Panalangin
Panginoong Jesus, salamat sa pagligtas Mo sa akin. Tinanggap kita bilang Panginoon at Tagapagligtas—turuan Mo akong mamuhay na karapat-dapat sa Iyo. Punuin Mo ako ng Iyong Espiritu upang sumunod at magbago araw-araw. Gawin Mong totoo at buhay ang aking pananampalataya. Amen.
Read Previous Devotions