June 24, 2025 | Tuesday
UVCC Daily Devotion
Written by: Victor Tabelisma
July 2025 Daily Devotions
June 24, 2025 | Tuesday
UVCC Daily Devotion
Written by: Victor Tabelisma
Today's Bible Verses: Colossians 3:1-2 ASND
Dahil binuhay kayong muli kasama ni Cristo, ituon ninyo ang isip ninyo sa mga bagay na nasa langit, kung saan si Cristo ay nakaupo sa kanan ng Dios. Isipin ninyo ang mga bagay na makalangit, hindi ang mga bagay dito sa lupa.
Pagmumuni-muni
Kapag tayo ay nakay Kristo na, may bago na tayong buhay—hindi lamang pisikal, kundi espiritwal. At dahil dito, dapat magbago rin ang takbo ng ating isipan at direksyon ng ating puso.
Ang utos ni Pablo ay simple pero mabigat: “Ituon ninyo ang isip ninyo sa mga bagay na nasa langit.” Ibig sabihin nito ay:
Pahalagahan natin ang mga bagay na mahalaga sa Diyos.
Huwag tayong maipit sa mga bagay na panandalian lang sa mundong ito—kayamanan, kasikatan, o kaginhawaan.
Mamuhay tayo na may pananaw sa kawalang-hanggan, hindi lang para sa kasalukuyan.
Hindi ibig sabihin na hindi na tayo dapat magtrabaho o magplano.
Pero ang tanong ay:
Ang mga ginagawa mo ba ay nagpapakita ng puso’t isipan na nakatuon sa langit?
Kung si Kristo na ang sentro ng ating buhay, ang layunin natin ay hindi na para sa sarili, kundi para sa Kanya.
Ano ang mas madalas mong iniisip—ang mga bagay ng Diyos, o ang mga bagay ng mundo?
Paano mo maipapakita sa araw-araw na ang isip mo ay nakatuon sa langit?
Panalangin
Panginoong Jesus, salamat dahil binigyan Niyo po ako ng bagong buhay. Tulungan Niyo po akong ituon ang aking puso’t isipan sa mga bagay na makalangit. Punuin Niyo ako ng mga hangaring ayon sa kalooban Niyo. Alisin Niyo ang anumang bagay na humihila sa akin palayo sa Inyo. Gusto kong mabuhay na laging nakatuon sa Inyo. Amen.
Read Previous Devotions