DAY 12
Ugaliing Makiisa
June 2025 Daily Devotions
DAY 12
Ugaliing Makiisa
Devotions writer: Pastor Miguel Amihan
Romans 15:5-6, FSV
5 Ang Diyos, na pinagmumulan ng tatag at sigla ang siya nawang magkaloob sa inyo ng pagkakasundo na naaayon kay Cristo Jesus. 6 Sa gayon, kayong nabuklod sa isang diwa, aymagpuring iisang tinig sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Ang pagkakaisa ay madaling sabihin pero mahirap gawin. Ganunpaman, ang tunay na pagkakaisa ay hindi impossible.
Makikita yan sa ating bansa at sa iba't ibang paniniwala o paninindigan ng relihiyon. Ang pagkakaisa ay mas lalong mahirap gawin kung ito ay pansarili lamang. Mahirap ilagay ang sarili mo sa isang pakikiisa na kung kalooban ay komokontra. Dahil ang totoo ang kasiglahan ng pakikiisa o pagkakaisa ay galing mismo sa Diyos. Ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng katatagan at lakas ng loob na kayoy mamuhay nang may pagkakaisa ayon kay Kristo Jesus.
Dapat ma-develop sa mga mananampalataya ang ugali ng pagkakaisa o makiisa na isang ugali ng ating Panginoong Jesus na hindi sarili ang iniisip kundi ang kapakanan ng mga tao. Si Jesus ang pinakamalaking factor at halimbawa ng pagkakaisa. Siya ang nasa gitna ng mga nagbabanggaang prinsipyo at paniniwala na dapat nang isantabi dahil hindi naman ugali ng Panginoon ang paghati-hati o dibisyon.
Kung maging ugali natin ang pagkakaisa na ayon sa ugali ng Panginoong Jesus, ang resulta ay masigla na pagkakaisa sa paglilingkod sa Diyos, at nagkakaisa tayong lahat sa pagpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesus. Pagkakaisa na lumalago at umuunlad dahil kalooban mismo ng Diyos ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng matatag at lakas ng loob ang mamuhay sa pagkakaisa na ayon sa Panginoong Jesus.
Aming Diyos at Ama sa Pangalan ng aming Panginoong Jesus ipagkaloob mo nawa sa amin ang katatagan at lakas ng loob na mamuhay na may pagkakaisa na ayon sa iyong Anak na si Jesus, nang sa gayon ay magkaroon kami ng ugaling makipag isa, at upang kami ay lumago umunlad sa paglilingkod, kaming lahat ay sama samang magpupuri sa Iyo.
Sa Iyo ang kaluwalhatian sa matamis na Pangalan ng Panginoong Jesus. Amen
Bakit ganon na lang ang pagsisikap ng mga mananampalataya sa panawagan ng pagkakaisa sa kabila ng mga pagkakaiba?
Ano ang mga dapat isaalang-alang ng mga mananampalataya upang makamit ang nais na pagkakaisa na ayon sa kalooban ng Diyos?
Bakit connected ang pag uugali natin sa Diyos patungkol sa relasyon natin sa Kanya at sa ating pakikiisa sa mga gawain ng mga mananampalataya?