DAY 14
Pagmamahalan at Pagpapatawaran Tungo sa Pagkakaisa
June 2025 Daily Devotions
DAY 14
Pagmamahalan at Pagpapatawaran Tungo sa Pagkakaisa
Devotions writer: Grace Estrabon
Colosas 3:13-14 , ASND
13“Magpasensiyahan kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon. 14At higit sa lahat, magmahalan kayo, dahil ito ang magdudulot ng tunay na pagkakaisa.”
Lahat ng mananampalataya ay buong pusong hinihikayat ng Biblia na magpasensyahan at magpatawaran.
Ito ang isa sa mga madalas na katanungan: papaano ko mapapatawad ang isang tao kung napakabigat ng kasalanan nya sa akin? At ang masakit ay kung hindi mo pa inaasahan na gagawin sa ‘yo ang bagay na iyon. Sa isang banda, totoo na mahirap gawin na tayo’y magpatawad. Ngunit ito’y kaya natin dahil hindi iniuutos sa atin ng Diyos ang isang bagay na hindi natin kaya. At ang magandang balita nito ay ang Diyos na ang unang gumawa na magpatawad sa atin sa lahat ng ating kasalanan.
Gawin nating halimbawa ang ginawang sakripisyo ng ating Panginoon Hesus na sa kabila ng ipinataw sa kanyang pagpapahirap, at yung sakit na naramdaman Niya sa emosyon at sa pisikal ay hindi Siya nagtanim sa tao ng hinanakit. Sa halip, pinanalangin Niya sa Diyos Ama na tayo’y patawarin sa ating mga kasalanan.
Ito ang panawagan ni Apostol Pablo, “ Higit sa lahat magmahalan kayo”. Wala talagang magaganap na pagkakaisa kung walang pagmamahalan mula sa Diyos. Ito ang pagmamahal na pinakita at pinadama sa atin ni Jesus. Ito ay nasa Kanyang mga Salita. Ang Biblia ay dapat nating binabasa upang ating malaman at maunawaan ang pagmamahal na ipinakita Niya na dapat nating tularan. At kung may pagmamahalan sa bawat isa ito ang magbibigay sa atin ng tunay at matibay na pagkakaisa.
Panginoon, patawarin mo kami sa di namin pagpapatawad sa aming kapwa, kapwa mananampalataya man, o miyembro ng pamilya. Patawarin mo kami sa pagkakaroon namin ng hinanakit sa aming kapwa. Panginoon sa Iyong grasya at sa Iyong pag sila po ay pinapatawad na namin. Salamat po sa yong pag ibig na napakasagana at di nagbabago. Patuloy na matuto po kaming mahalin ang isat-isa at unawain maging ang mga kahinaan at kapintasan. Hayaan mo po ang pag-ibig mo ang mangingibabaw habang kami ay nagkakaisa. At sa ganitong paraan ikaw ang mabigyan namin ng kaluwalhatian.
Salamat po Panginoon ito ang aming dalangin sa pangalan ng aming ng aming Panginoong Jesu Cristo. Amen!
Ano ang dalawang bagay na inutos sa atin ng Diyos sa sulat na ito ni Pablo?
Sa paanong paraan natin mapapatawad ang taong nagkasala sa atin?
Ano ang matibay na katunayan na napatawad ko na ang taong nagkasala sa akin?
Paano mo maikokonekta ang pag ibig sa pagkakaisa?