DAY 18
Nagkakaisang Naghihintay
July 2025 Daily Devotions
DAY 18
Nagkakaisang Naghihintay
Devotions writer: Gene Estrabon III
Acts 1:4,14, MBBTag
4Samantalang siya'y kasama pa nila, pinagbilinan sila ni Jesus, “Huwag muna kayong aalis sa Jerusalem. Sa halip, hintayin ninyo roon ang ipinangako ng Ama na sinabi ko na sa inyo. … 14Lagi silang nagsasama-sama upang manalangin kasama ang mga babae at si Maria na ina ni Jesus, gayundin ang mga kapatid ni Jesus.
May mga magagandang ibinubunga ang nagkakaisang naghihintay sa Panginoon.
Aminin man natin o hindi, isa sa mga mahirap gawin ay ang maghintay. Ito’y nakakainip. Maaaring isipin na sayang ang oras. Iba naman ay mas gugustuhing magpahintay kesa mag-antay. At maaaring sa marami, ang maghintay ay di sikat na pananaw.
Si Hesus ay nag-utos sa mga disipulo Niya na maghintay ng sama-sama sa isang lugar na itinalaga Niya (v.4). Ang utos na ito ni Hesus ay may kasamang pangako – ang bautismo ng Espritu Santo (v.5). Ang nakakatuwa, ang mga disipulo, kasama ang ilan pang manananampalataya, ay naghintay ng sama-sama sa iisang lugar! (v.14). At ang kanilang pangunahing gawain ay ang manalangin habang naghihintay. Ang ibig sabihin nito ay mayroon silang actual na panananalangin at meron din silang 'attitude' ng pananalangin (kaya nagawa nilang maghintay ng 7-10 araw ng sama-sama sa iisang lugar*). Naging gawi nila ang sama-samang na paghihintay na may pananalangin. Sila’y magkaka-isang naghihintay sa pangako ni Hesus. At alam natin ayon sa Acts 2 ang naging mga dakilang resulta: Sila’y napuspos ng Espiritu, nakapagpangaral ng Mabuting Balita, at nasa tatlong libo ang nagsisi sa kasalalan at kumilala sa Diyos. At dumating din sa punto na maging ang mga pisikal na kapatid ni Hesus ay kasama na din sa nagkakaisang pag-aantay (na noon ay di nakikiisa at di nananampalataya, see John 7:3–5).
Tunay na ang nagkakaisang paghihintay ayon sa utos at pangako ng Diyos ay may mga dakilang resulta. Tara! Nawa tayong mga manananampalataya ang mas matuto pang magkaisa.
* from Passover meal to Pentecost is 50 days. Jesus resurrected on the 3rd day after Passover. Jesus appeared to many disciples for 40 days. That leaves 7 days waiting for the disciples to be baptised in the Holy Spirit on the actual day Pentecost, a Jewish celebration.
Aming Ama, nais namin matuto na nagkakaisang naghihintay ayon sa utos at pangako Mo. Nawa ang aming paglago sa pagkakaisa ay mas mahaluan ng pagtyatyaga sa pananalangin. Kasama na din nito ang pakikipagkapatiran habang naghihintay sa pagtupad Mo sa Iyong mga pangako sa amin.
Salamat po Panginoon ito ang aming dalangin sa pangalan ng aming Panginoong Jesu Cristo.
Bakit di ganun kadali sa maraming tao ang matutong maghintay?
Ano ang ibig sabihin ng Biblia sa “Lagi silang nagsasama-sama upang manalangin (v.14)?
Anu-ano ang mga dapat isa-isip at dapat gawin para marating ng iglesia (o grupo ng manananampalataya) ang nagkakaisang naghihintay ayon sa utos at pangako ng Diyos?