June 25, 2025 | Wednesday
UVCC Daily Devotion
Written by: Victor Tabelisma
July 2025 Daily Devotions
June 25, 2025 | Wednesday
UVCC Daily Devotion
Written by: Victor Tabelisma
Today's Bible Verses: Colossians 3:3 ASND
Sapagkat kayo’y namatay na, at ang inyong buhay ay nakatago kay Cristo sa Dios.
Pagmumuni-muni
Ang Colosas 3:3 ay nagpapaalala sa atin ng dalawang malalim na katotohanan:
Kayo’y namatay na.
Nang tayo’y tumanggap kay Cristo, iniwan na natin ang dating sarili—ang lumang pagkatao ng kasalanan ay pinatawad at “pinatay” nang espiritwal. Hindi na tayo nabubuhay ayon sa dating takbo ng buhay na hiwalay sa Diyos.
Ang inyong buhay ay nakatago kay Kristo sa Dios.
Ang bagong buhay natin sa Diyos ay hindi lantad sa mga panganib ng mundong ito. Itinago ito “kay Cristo sa Dios”—na nangangahulugang ligtas, pinangangalagaan, at may kaganapan sa Kanya. Ang ating tunay na pagkakakilanlan ay hindi na nasusukat sa mga bagay sa lupa, kundi sa katawan ni Cristo at sa plano ng Diyos.
Kapag nabubuhay tayo alinsunod sa katotohanang ito, nagkakaroon tayo ng kapanatagan kahit sa gitna ng unos, pag-uusig, o tukso. Sapagkat ang ating pagkakakilanlan at pag-asa ay hindi nakasalalay sa panlabas na kalagayan, kundi sa kung sino tayo kina Cristo.
Pakiramdam mo ba’y nakatago na ang iyong bagong buhay kay Cristo, o minsan ito’y natatabunan ng mga alalahanin sa mundo?
Ano ang mga hakbang na maaari mong gawin upang mas maipakita mo ang iyong pagkakakilanlan kay Cristo sa araw-araw?
Panalangin
Mapagmahal na Ama, salamat po dahil namatay na ako para sa kasalanan at muling binuhay sa pamamagitan ni Kristo. Salamat po na ang buhay ko ngayon ay ligtas at nakatago sa aming Panginoong Hesu-Kristo. Tulungan Niyo po akong araw-araw na mamuhay nang may kapanatagan at katatagan dahil sa Inyong pangangalaga. Nawa’y maging patotoo ang aking buhay sa kapangyarihan ng pagbangon ng aming Panginoong Hesus. Amen.
Read Previous Devotions