June 26, 2025 | Thursday
UVCC Daily Devotion
Written by: Victor Tabelisma
July 2025 Daily Devotions
June 26, 2025 | Thursday
UVCC Daily Devotion
Written by: Victor Tabelisma
Today's Bible Verses: Colossians 3:8 ASND
Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng ito: ang galit, kasamaan, masasamang hangarin, panlalait, at malaswang pananalita.
Pagmumuni-muni
Bilang mga anak ng Diyos na may bagong buhay kay Kristo, tinatawag tayong alisin ang mga ugaling hindi na bagay sa ating pagkatao. Tulad ng pag-aalis ng maruming kasuotan, ganito rin ang pag-aalis ng masamang ugali na hindi na dapat makita sa atin.
Ano ang mga kailangang alisin?
Galit – Hindi ang makatwirang pagdaramdam, kundi galit na puno ng puot at paghihiganti.
Kasamaan – Sama ng loob na humahantong sa masasamang intensyon.
Masasamang hangarin – Nais manakit o maghiganti sa kapwa.
Panlalait – Pagmamaliit at paninirang-puri sa iba.
Malaswang pananalita – Mura, kabastusan, o mga salitang hindi kaaya-aya sa Diyos.
Mahalagang tandaan na hindi lang pisikal na kasalanan ang dapat alisin, kundi mga ugali at salita na sumisira sa ating ugnayan sa kapwa at sa ating patotoo bilang mga tagasunod ni Kristo.
Ang pag-alis ng mga ito ay hindi sa sariling lakas, kundi sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Araw-araw, kailangan nating ipagdasal at sikaping mamuhay nang malinis, may malasakit, at may disiplina.
May galit o sama ka bang loob na matagal mo nang kinikimkim?
Paano mo mapapalitan ang masasamang pananalita ng mga salitang nagpapalakas at nagpapala?
Panalangin
Ama naming sa langit, salamat po sa Inyong pagtitiyaga sa akin. Tulungan Niyo po akong itakwil ang galit, panlalait, at lahat ng masamang asal na hindi nararapat sa isang anak Niyo. Linisin Niyo ang puso ko, at gawin Niyong kaaya-aya ang aking pananalita at pag-uugali sa harapan Niyo. Nais kong mamuhay nang tapat bilang patotoo ng Inyong biyaya. Amen.
Read Previous Devotions