June 30, 2025 | Monday
UVCC Daily Devotion
Written by: Victor Tabelisma
July 2025 Daily Devotions
June 30, 2025 | Monday
UVCC Daily Devotion
Written by: Victor Tabelisma
Today's Bible Verses: Colossians 3:14 FSV
Higit sa lahat ng ito, ibigin ninyo ang isa’t isa sapagkat ang pag-ibig ang buklod ng ganap na pagkakaisa.
Pagmumuni-muni
Matapos banggitin ang mga “damit” ng bagong pagkatao—malasakit, kabutihan, kababaang-loob, kahinahunan, at pagtitiyaga—binigyang-diin ni Pablo ang pinakaimportanteng “pananamit” ng isang Kristiyano: ang pag-ibig.
“Higit sa lahat ng ito…”
Ibig sabihin, kahit gaano ka pa kabait, matiyaga, o mahinahon—kung walang pag-ibig, kulang pa rin.
Ang pag-ibig ang buklod—ang tali na nagdudugtong sa lahat ng katangian ng isang buhay na binago ni Kristo. Ito ang dahilan kung bakit:
Ang pagtitiyaga ay nagiging mapagpasensya.
Ang kababaang-loob ay hindi mapagmataas.
Ang kabutihan ay nagiging taos-puso.
Ang pag-ibig na ito ay hindi damdamin lang. Ito ay desisyong magmahal kahit mahirap, kahit walang kapalit, at kahit minsan ay masakit. At ang ganitong klaseng pag-ibig ay ipinakita sa atin ni Kristo sa krus.
Ang mga ginagawa mo ba araw-araw ay pinapagitnaan ng pag-ibig?
May mga taong bang kailangan mong mahalin hindi dahil karapat-dapat sila, kundi dahil minahal ka rin ng Diyos nang ganoon?
Panalangin
Panginoong Hesus, salamat sa Iyong pag-ibig na hindi nagmamaliw. Turuan Niyo akong magmahal hindi lang kapag madali, kundi lalo na kapag mahirap. Nawa ang lahat ng ginagawa ko—maliit man o malaki—ay mag-ugat sa pag-ibig. Tulungan Niyo po akong maging buklod ng pagkakaisa sa aking pamilya, simbahan, at komunidad.
Read Previous Devotions